Bakit kaya ganon tayong mga tao noh, kailangan pa nating makita ang mga bagay bagay bago natin paniwalaan?? Kailangan pa nating ibase sa kung ano anong bagay bago tayo maniwala na pwede palang maniwala? Bakit ba tayo masyadong mapanghusga sa mga pangyayari sa palgid natin? Hindi ba pwedeng maniwala muna tapos tska mo husgahan? Bakit kailangan mo munang Makita para masabi mo na hnd ka pala nilololoko?
Meron naming mga bagay na hnd natin nakikita pero alam nating nandyan ah.. gaya ng love at tska ng trust! Pero bakit ganon, sa panahon ngayon ay kailangan mo munang Makita ang isang tao bago mo malaman kung mahal mo ba talaga cya o kaya kung nagsasabi ba sya ng totoo.. un ang maling mali sa panahon ngayon. Bakit madidikta ba sayo ng mata mo na kapag nakita mo ung tao eh “o cge go ka dyan.. yan na ang mahalin mo!” db hnd? O kaya kapag nakita mo ba cya ay masisiguro mo na agad na nagsisinunagling sya o nagsasabi ng totoo? Db hnd naman?? Kasi ung mga ganong bagay ay hnd na matters of concern ng sense of sight natin,, emotional side na natin ang dapat na magfunction don! Ang hindi ko maintindihan sa mga tao ngayon eh bakit masyado silang sigurista sa mga bagay bagay na hnd nila alam na mali naman ang pinagbabasehan nila! Eh kahit naman sabihin mong nagkikita kayo ng tao eh, hnd ka pa rin naman ganon kasure na nagsasabi sya nga totoo o kaya eh nagsisinungaling cya. Kasi hnd lahat ng nakikita mo ay totoo.. bago ang lahat kailangan mo munang maniala sa isang bagay bago mo masabing un nga ang totoo.. bakit ba natin agad hinuhusgahan ang isang pangyayari ng wala naman tayong karapatan??hnd naman tayo diyos pra malamn ang lahat db! Pwede namang maniwala ka sa isang tao kahit hnd mo cya nakikita eh,, oo nandon na ako sa pwede mo cyang husgahan na baka niloloko ka lang nya at hnd sya nagsasabi ng totoo.. pero ganon tlga un eh,, its worth the risk.. eh pano mo malalaman na ganon nga sya kung hnd mo ittry na gawin db?kasi hnd porket applicable sa iba, o nangyari na sa iba ang ganon eh ganon na rin ang mangyayari sayo! Eh hellooo?? Magkaiba nga kayong tao db,, pano kayo magkakaparehas! Dahil ba sa hnd mo nakikita ang facial expression nya habang sinasabi nya sayo na mahal ka nya eh hnd na yun totoo??mali yun ah,, kasi hnd mo naman nakikita ang kalooban nya eh,, masyado kasi tayong mga concrete sa mga bagay bagay! Kahit naman kasi nakikita mo cya habang cnsb nya un eh.. pano pla kung tumatawa cya sa loob.. ang point kasi bakit hnd natin pagkatiwalaan ung mga nararamdaman natin! Oo takot tayong masaktan kaya natin kailangang makasigurado sa mga bagay bagy,, pero ni hnd man lang ba sumagi sa isip natin na sa kagustuhan nating makasiguro eh lalo tayong walang nasisiguro! Kasi kapag ganon kang klase ng tao.. ang tingin mo sa lahat ng bagay ay panloloko lang.. so pano ka makakita ng totoo kung hnd mo iririsk na maniwala muna kahit na hnd mo nakikita!dito sa mundo kasi maraming bagay ang kailang mo munag maniwala bago mo Makita..
Wala naman talagang kasiguraduhan dito sa mundo eh,, araw araw ay kailangn nating itaya ang isa sa mga pinaka tatago tago nating kayamanan sa buhay pra sa iba pang bagay! Kung saka skali man na hnd nagging maganda ung pinatunguhan ng pinaniwalaan mo dbale hnd naman don natatapos ang buhay eh! Marami pa tayong dapat tuklasin at hanapin tungkol sa buhay, na pwede nating pag gamitan ng bago nating nalaman tungkol sa mga dati nating pinaniniwalaan na tayo mismo ang nakaranas.. at least pagkatapos non eh sigurado ka ng totoo nga na ganon ang isang bagay..
No comments:
Post a Comment
I know you love me, so do drop me a line :)