Pages

Thursday, November 18, 2004

Malamig na Pasko?!


Malamig na naman ang simoy ng hangin, click na naman ang puto bumbong at ang bibingka. Pati mga decors at carols ay in na naman, at syempre ang longer nights than days. Haaaayyyy… ayan na pasko na naman! Feel mo na ba?? Another year was bound to end and begin. So much sa bilis db? prang kelan lang ay start pa lang ng first sem, tapos kaka-sembreak lang tapos ayan papalapit na naman ang bakasyon.
Syempre pa kasama rin sa in ang pagbili ng regalo for your loved ones, yep! loved ones my family and friends. Bakit ba sa ganitong panahon ay in din na itanong sa ung tanong na ‘Who would you celebrate your Christmas with?’ Aba cyempre! hindi mawawala yung mga ever sagot na with their family and friends at may emphasis pa ‘with their special someone’. Eh pano naman yung walang kulay ang lovelife or should I say yung walang love life at all? Dyan biglang papasok ang pinaka popular na club during this point of the year, ano pa nga ba eh di ang Samahang Malalamig Ang Pasko?!
Eto ang samahan na hindi mo alam if u should be proud or ashamed na your part of it. Dito kasama yung mga kakabreak lang sa bf na hindi pa makarecover, yung mga binasted, yung mga nambasted, yung mga ayaw lang magka bf for no reason at ang worst ay ang mga walang manliligaw at walang maligawan. Sila yung mga taong ang madalas na sagot sa tanong na yon ay ‘Of course I would celebrate it with my family and friends, sino pa ba?!’ sabay buntong hininga na para bang you just loss your last money…
Why don’t we stop a moment and think, why are we so pre occupied by the fact that we are celebrating Christmas without a someone special? Im sure marerealize natin na hindi tayo nag-iisa, that we’re on the same boat with a lot persons. At least marami tayong kasama, eheheeh!! Pero syempre kung iisipin mo iba pa rin yung may magsasabi sayo ng ‘merry Christmas, I love you so much and I wanna share the whole year with you!’ kakatouch db, pero wala tayo non kaya mamatay na lang tayo sa inggit!!!hhaaayyy.. Walang yayakap sa atin kapag nilalamig tayo sa gabi, wala kang kaholding hands habang naglalakad ka pauwi galing sa simbang gabi. In short tayo yung mga taong super bonding with the friends and the family this whole season..
Nakakainis isipin db?? Halimbawa habang naglalakad ka with your friends sa school, sa mall, o kahit san pa man eh laging may couples! Yun bang kulang na lang ay dumugin na ng langgam at ng bees sa sobrang kasweetan, na halos hindi mo mapansing may balak pang maghiwalay. Yung mga super pulupot to the max sa isa’t isa na halos magkapalit na ang mukha. Grrrrr.. minsan naman meron ka rin makikitang pasimple lang, naglalakad lang ng magkatabi. Pero wag ka kung babae ka ang iisipin mo ay ‘Jackpot ka neng, ang haba ng hair mo!’ Dahil ang boyfriend ay kasing gwapo ni Orlando Bloom na asian version, o kaya naman ay mala UAAP player ang dating sa height at posture. O kaya yung mga mala hunks ang dating ng katawan, or minsan yung mukhang angel sa sobrang amo ng mukha. Yung bang mapapabulong ka na lang ng “HAALLEERRRR!!! Hindi naman sila bagay, isa pa laking ganda ko naman sa kanya noh! Eh bakit sya nakakabingwit ng ganon ako hindi??!!” sabay irap at ismid! Pero syempre ayaw mo naming ikasira yon ng maganda mong araw at ng magandang view mo sa papables na yon. At syempre pigil ang pagka inis mo dahil wa-poise kung mag hysterical ka habang nandyan siya db? Bigla mong sasabihin sa sarili mo na cool down ‘well at least now you know! attitude counts a lot na pala than looks, papakabait na nga ako!’
Haaayyy…buhay! Nakakalungkot mang isipin eh wala na tayong magagawa pa kundi tanggapin ang katotohanan! Na tanga lang talaga ang ibang tao para hindi mapansin ang ating mga exotic beauty at appeal! Simple lang naman para magawan ng solusyon yung problem nay an eh… we have to be positive!

*eh Heeeellloooo???!!! Hindi pa naman ito ang last na pasko eh??? Malay mo sa susunod na pasko?! O kaya sa susunod na susunod na pasko?? O baka sa sumunod na susunod na susunod na pasko??! Ah basta!! Marami pa naming pasko eh, marami pa tayong chance! ^ehehehe^

*Tska hindi naman tayo nag-iisa, I’m sure sandamakmak ang walang lovelife ngayon. Kasi sa pagkaka alam ko may scarcity ngayon ng mga lalaki eh, pano nagkakaroon ng conversion of sexuality! ^ehehehe^

*Isa pa at least you would have all the time to share with your family and friends to enjoy the yuletide season. ^Pabait effect daw ba?^

*Another is that one would have the opportunity for a soul searching on what would be your plans and goals in life for the upcoming year. ^1st plan to search for a new bf. Eheheh^

*And of course above all is that bawas gastos kapag malamig ang iyong pasko! Mas maganda kasi makakapag ipon kana para next Christmas db? Malay mo may bf kana by that time! ^ewan ko lang if you would take it as an advantage or what?? Ehehehe^

Minsan kahit super dooper lungkot na ng isang pangyayari ay nasa tao na lang yan kung pano niya ihahandle at haharapin yung mga nangyayari skanya! See being single is not that bad after all! Hindi naman siguro macacancel ang pasko, or mababawasan ang pagkatao natin kung wala tayong partner at this point db? Kaya nga lang para bang bawas na yung thrill kapag wala, pero ok lang yun! Bsta always remember that ‘The grass is greener on the other side of the mountain! So keep off the grass!’ *ehehehe*




No comments:

Post a Comment

I know you love me, so do drop me a line :)