Love?? isa yan sa mga super over used word dito sa atin.. Dhil ba masyadong mapagmahal ang mga tao lalo na ang mga Pilipino? O dahil pra lang syang ordinary word na pwede mo lang sabhin khit saan, kahit kailan, at kahit kanino? Kung iisipin mo napaka daling sabihin nito eh, kahit saan maririnig mo yan ang tanong na lang ay totoo bang yon ang nararamdaman nila habang sinabi nila sa isang tao na ‘mahal kita.’
Teka….!!! Sa sobrang dalas nating gamitin un alam pa ba natin ang tunay na meaning non? Since magkakaiba ang mag tao,iba iba ang perceptions at beliefs natin sa buhay ay nagkakaiba rin ng meaning ang love sa bawat isa. Sa tingin ko bawat level ng tao ay may sari sariling definition non. Kpag nagbabasa ako ng autograph eto an madalas kong mabasa: ‘love is blind’, ‘love is like a rosary that is full of mystery’ ,‘love is like a clock that tick tocks in your heart’, ‘love is patient’, o kaya namn ‘love is sacrifice.’ Kahit ano na yata ay ginamit na natin sa pag define ng love pero ang totoo don ay hnd naman natin tlga nadefine ang love. Sa tingin ko eto ang pinaka komplikadong meaning ng love na narinig ko ‘love is a feeling that you feel when you feel that you have a feeling you have never felt before’
Diba ang gulo? Well tanggapin man natin or hindi yon ang meaning ng love, magulo! Dahil sa love mo lang ma-eexperience yung pakiramdam na masaya ka para sa kanya khit na malungkot ka, na kaya mong itapon ang lahat ng memories pero inaalala mo pa rin cya, na kaya mong gawin lahat ng nakakahiya pero proud ka, na lulunukin mo lahat pero hnd ka naman nabubusog, na nasasaktan ka na pero sige ka pa, na magpilit kahit na alam mong hndi pwede at ang magmahal ng hndi ka naman mahal! Kapag nagmahal ka dyan mo rin maeexperience na matulog ng umiiyak, matulala ng wala ka namang iniisip, hindi makatulog kakaisip, hndi makakakain at makapagisip ng dahil sa sakit, makaramdam na mag-isa ka kahit marami ka namang kasama, at na maawa sa sarili mo kahit na nasa iyo na ang lahat. Nakakatawang isipin na napapagdaanan natin ang mga ganong bagay kapag ang usapan na ay love.
Kung ako ang tatanungin masaya naman tlga ang magmahal eh ,kaya nga lang alam nyo naman na package deal ang buhay db? After mong magpakasaya ay malulungkot ka naman! Ang nakapagtataka lang sa atin kahit na magulo,kahit na mahirap, kahit na masakit at khit na malungkot ay hnd pa rin tayo nagsasawang magmahal. Ang maiiwan na lang sa atin ay ang magtanong kung bakit pa ba natin kailangang magmahal? Eh most of the time naman eh 1 way lang ung feeling,kadalasan naiiwan lang tayong luhaan sa isang tabi. Katulad ng mga pangyayaring yung isa para bang super handang ibigay ang lahat para sa mahal nya, ang problema nga lang its either hnd cya pinapancin nung mahal nya dhil may mahal ng iba o hindi alam ng taong mahal niya na mahal na may nagmamahal sa kanya! Minsan naman mahal nyo nga ang isa’t isa pero hnd naman kayo pwede dahil hndi kayo tanggap ng ibang tao, or minsan naman dhil meron kayong masasaktan. Kadalasan sa sobrang sakit na nararanasan mo ay natatakot ka ng magmahal pang muli, na halos magalit kana sa buong mundo. Pero ganon talaga ang ang love, sabi nga nila ‘It takes two to tango’.
Pero cyempre hnd naman lahat ng nagmamahal ay malungkot eh, lalo na kpag mahal rin sila ng taong mahal nila. Naniniwala naman kasi ako na walang taong walang nagmamahal, sa isang milyong tao may isa’t isa doon na mahal na mahal ka at handang itapon ang buong mundo niya para sayo. Nasasaiyo na lang yon kung papaano mo siya hahanapin, o kung nasa harap mo na siya ay kung pano mo ipaparamdam sa kanya na mahal mo siya at kung ano pa ang dapat mong gawin para manatili siya sa tabi mo. So what more can I say eh di goodluck nalang sa ating mga magiging malamig ang pasko…
No comments:
Post a Comment
I know you love me, so do drop me a line :)